#ALDUB Oct 10 2015: Ang pagperform ni Yaya Dub sa BULAGAPAMORE Grand Finals

More Videos: http://ALDUBLoveStory.info

Share your LOVE: http://MyCharitableWork.Wholeworld.sx

Bago magperform si #YayaDub sa #BulagaPaMore, pumunta muna sya sa Barangay para magpaalam sa kanyang mga Lola. Subalit nang umalis na sya, nakita ni Lola Nidora na naiwan ni Yaya Dub ang Drum Sticks na gagamitin nya sa kanyang pagperform sa Broadway. Kaya umalis din sila at sinundan si Yaya Dub para ibigay ito.


Nakita din nila dun si Lola Tidora sa Broadway at pinalakas nila ang loob ni Yaya Dub bago sya magperform. Very supportive ang mga Lola. Umupo sila sa unahan para masaksihan ang performance ng kanilang apo. Lahat naman na tinuro nila kay Yaya Dub ay nagawa din ng tama at maayos hanggang matapos nya ito. Nang matapos niya Yaya ang kanyang magandang performance, umakyat ang tatlong lola para i-congratulate sya at pinaalala sa kanya na: “May panahon sa lahat ng bagay, may panahon para sa pangarap, panahon para sa pag-ibig, pero ang pamilya ay pang habang panahon. Ang pamilya ay hindi mapapalitan, hindi pwedeng talikuran, mapipili mo ang mga kaibigan mo, pero ang pamilya hindi mo mapipili. ‘Yan ang pinagkaloob sa iyo ng Diyos kaya nandito kami para sa iyo…


Nang masabi na ni Lola ang gustong sabihin kay Yaya Dub, sabay sabay silang sumayaw ng paboritong isayaw ni Lola Nidora. Habang nagkakatuwaan sila sa stage, bigla nanamang pinakita ang babaeng may mahaba at makintab na buhok na parang gumamit ng niyog, sabi ni Lola Nidora. Pinapanood din sila sa loob ng kanyang sasakyan. Sino kaya ang misteryosong babaeng ito? Siya kaya ang nanay ni Yaya Dub na si Isadora o isang babae na may masamang binabalak sa mga magLola? Abangang po natin sa lunes…


For more daily videos, visit the links below:

http://ALDUBLoveStory.info

http://facebook.com/aldubzlovestory

http://twitter.com/aldubzlovestory


ALL VIDEOS ARE CREDITED TO GMA NETWORK, INC.

Post a Comment

 
Top